Blog Post # 1 (KUWAGO)
SM Extremes…
(May 29,2010)

Fresh from the mouth ni pareng ATM ang sweldo; syempre abot batok ang smile ko, kasama kasi sa payout ang performance bonus, Ito yung Recognition day kung baga pa sa skwela, hindi nga lang ribbon o medal na binili sa national book store ang price, feeling second honor sa 18 percent of my actual salary ang dagdag; para maka first honor kasi kailangang makapasok ka sa target grade (o’ ha grade) kung susumahin yun pwede kang bumili ng 10 sacks of rice) galing diba?

Mapunta tayo sa topic; Planado na kung saan susunugin ang dollars(sosyal dollars); ika nga reserve na ang mga chicks ng hen; first on the list, kutson; pangalawang kutson ko na to(sa mga jejemon, ito yung malambot na hinihigaan mo na kahawig ni spongebob), nag airbed na ako pero ewan ko pagod na akong mag otso-otso sa kakapump; malambot pa at fluffy pa pagtulog mo, pagising mo banig na.nagka-abs na ang likod ko; yung 1st kutson ko naman may crater na sa gitna, lumulubog na ang puwet ko; its time to change parang motto ni Obama. Pagkatapos kong manood ng showtime(uyyy, jologs) zoom to SM na ako;

Location SM Cebu City Visayas, Philippines, I’m fine thank you…

Since Rest day ko, recycled ang t-shirt ko,(hindi ko na iexplain bakit recycled),

Anyways

Akyat agad ako sa 4th floor papunta sa Toy Kingdom, Oo may kutson sa Toy Kingdom; ayaw mong maniwala, eh di wag(balik serious)Tiningnan ko kasi yung action figure na Final Fantasy, pero hindi maganda ang pagkakagawa ng mata ni Balthier, his eyes is attractive, its attracting each other. sa mga taong hindi kilala kung sino si Balthier iesA xcya xsa MgA BieDae neaNG FINAL FANTASY 12 kounG hIndieie M03 a3LaeM kueong Anou Pa rien aNg SiNaesabie Ko3 skip this portion turn to page 12 or Google it.

Continuation…
Pagpasok ko sa Department Store(ewan basta dun sa may mga kaldero sa 4th Floor) naghanap agad ako ng kutson, maraming buy 1 take 1 pero ayaw ko ng cover, kasi ang mga design eh pang babae, kung hindi pink or yellow pang-Flores De Mayo, anyways again, may isang katangi-tanging kutson(aka Lukso ng Dugo)ang napusuan ko kung baga e may lukso nang dugo, jejejejeje, kutson na buy 1 take 1, kulay blue na may bilog design na parang Movie poster ng The Ring, mura lang mas mura sa budget kong (secret) pero hindi ko muna kinuha, pumunta ako sa mga bed sheets; It took me 25 minutes to pick one particular bed sheet at punda(Hindi kasi ako marunong maglaba ng bedsheet, patay ako sa nanay ko nito, jejejejejeje, hindi ako membro ng jejemon, gusto ko lang jejeje ang hehehe ko para in) ng nakapili na; teleport agad sa mattresses(high-tech, teleport syempre payout eh,) pinakuha ko agad si lukso ng dugo; at pinaswipe agad(debit card ang gamit ko, mas safe kasi at less hassle) sa cashier, maganda ang cashier, maganda kung day off niya ngayon at nagkulong na lang siya kwarto. Anyways again part 2; pinagulong-gulong na ng packer si Lukso, at tinalian na parang embutido. Sabay sabi ng come again and thank you sir.

Habang naglalakad ako, feeling sikat…natagpuan ko na si Lukso, makakasiping ko siya gabi-gabi, hanggang sa mabutas, at maging banig na ang kanyang matambok na katawan; I Love You Lukso(what a freak, you weirdo)

Anyways part 3

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko mauuwi si Lukso; Saturday ngayon, maraming taong mayaman, instant United States ang Cebu, alam nyo naman nagiging Taxi ang means of transportation ng mga jejemon pag payout,taas ng pila sa taxi; at si manong jeepney driver, imbes na magsaya kasi alam niyang maraming taong namamasyal lalo na kung payout parang nagiging fasting ng kita niya ang first 3 days after sweldo ng mga tao, walang gustong sumakay ng jeep, kahit magsisigaw pa siya ng Jones, Colon, Hear yey Hear Yey buy one take all, wala siyang mapapala, ewan, ganito siguro talaga, human nature, if you can afford it, why ride Sarao. Pero ika nga nila babalik ka rin; pag dumating si Tingbits(term ng mga jologs kung ubos na ang sweldo) kay Sarao din tayo babagsak. Inuna ko si Lukso, first time niyang sumakay ng Taxi, sa back seat siya umupo, at ako naman sa frontseat, naalala ko nung sumakay kami ng mga ka opisina ko ng horror train sa SRP, para akong pinaseat on the Air ni Mrs. Bernales, bakit? Hindi kasi nakahalik ang puwet (excuse for the word) ko sa upuan, sa sobrang liit ng train, hindi ako magkasya, nakadikit na parang minighty bond ang tuhod ko sa harapang sandigan(hindi ko alam kung paano iexplain wag mo nang itanong kung ano ibig kong sabihin) balik tayo sa taxi, nakadikit ang tuhod ko sa dashboard, parang ganun din ang sitwasyon ko dun sa horror train, ika nga eh dejavu(Yes! nagamit ko na rin ang word, grammatically wrong; jejejeje ulit)

At sa wakas…bahay

pinasok ko agad si Lukso sa kwarto, nagpahangin konte kay Venti(Bentilador, uupakan na kita kung hindi mo alam ang bentilador, you weirdo) nagsuklay at nagpabango ulit, balik SM kasi ako, kailangan kong mag grocery; ubos na din kasi ang sabon ko, at wala na rin akong Rollercoaster anyways part 4.

Lupig pay excercise ani; lumuwag ang pantalon ko, hindi ako komportable kapag nakasuot ako ng pantalon(lalo na ung napaglakihan ko ng pantalon, ehem), pero sa mga sandaling iyon, habang naglalakad sa, ang gaan-gaan, at ang presko-presko ng pakiramdam ko, naglakad ako ng pastrut-strut papuntang 3rd floor(Hoy, kung nawawala ka kung saang lokasyon na tayo, nasa SM na tayo ulit) anong ginagawa ko sa 3rd floor? Bibili ako ng bagong damit ni Celphi(uyyy, kinikilig siya, ganda ng pangalan, parang Russian, pero hindi foreigner chick si Celphi, at hindi siya tao; at ang alam niya lang gawin sa buhay niya ay mag teeteet na mag teeteet at magpatusok sa may tagiliran ng kuryente pag siya ay lowbat)masakit mang tanggapin, Oo, cellphone si Celphi, halos mag iisang taon na kasing nakasuot ng medyas si Celphi na pinagtripan ko pang drawingan, nag mukha tuloy project ng Grade 1 ang damit niya(hindi pa naimbento ang tawag sa damit ng celphone, pwedeng tawaging protective, anti scratch o cover pero hindi absolute ang ibig sabihin) matagal ko ng gustong bilihan ng Case Logic si Celphi, ayaw ko kasing magka acne ang buong katawan niya kasama kasi niya palagi sa bulsa ko si Kokey na halos kainin na ng kalawang ang buong katawan(susi ng kwarto ko si Kokey) ang Case Logic, ito yung parang Louie Vuitton brand ng mga gadget sabi nung sales clerk sa mga sports bag); wala ng kulay brown, kaya gray nalang pinili ko; ng pumila ako sa cashier may babaeng kanina ko pang napapansin na nakasmile habang papalapit ako sa counter, may bitbit siyang dalawang school bag, at nagulat akong pinauna niya ako sa counter; feeling VIP ako ng panahon nay un, eh hindi ko siya masisisi artistahin talaga ako, pang leading man ang kakisigan; binalak ko nanamang ipa swipe ang debit card ko, pero si Miss Cashier ng 3rd floor, hinanapan ako ng valid ID, alam ko namang gusto niya lang makuha ang number ko; sa kasawiang palad, wala ako valid ID kailangan daw kasi niyang iverify kung ako nga talaga ang card holder, pinakita ko ang Maxicare card ko pero wala ring kwenta kailangan niya kasing ikumpara ang signature ko; kung ako nga ba talaga si Piolo Pascual; halos invisible na kasi ung pirma ko sa likod ng card; at ung maxicare ko hindi ko pa napipirmahan, hindi ko rin dala ang Company ID ko kasi hindi pwedeng ilagay sa wallet may casing kasi yun(na parang isang kilo ang bigat pag sinuot mo) nahiya ako sa babaeng nagpauna sa akin, pero nakasmile pa rin siya; gwapo kaya ako(Huwag kanang pumalag at Blog ko ito). Napilitan kong I cash; napa sheyt ako in mind; pero Idol din si Miss Cashier ng 3rd floor ginagawa niya talaga ang tungkulin niya; if in doubt verify, hindi dapat uminit ang ulo natin sa mga sitwasyong gaya nito; they’re just doing their job, for that I salute you, kahit na alam kong may pagnanasa ka sa akin.

Anyways part 5

Bumaba ako ng ground floor papuntang Grocery, marami akong gustong bilihin una sa listahan ang pagkain; pero inuna ko ang air freshener at albatross; (para sa CR, amoy kalawang kasi ang tubig sa banyo, hindi masyado masaya kung amoy wangkala ang banyo habang inilalabas mo ang sama ng loob mo) tinanong ko yung refiller na babae sa may household section na kanina pa kamot ng kamot sa may leeg habang inaayos ang mga botelya ng muriatic acid; tinanong ko kung saan ang garbage bag, ang sabi sa number 5 aisle daw yun; I sprinted all the way to aisle 5, habang papunta ako sa aisle 5 napansin kong lahat ng nakakasalubong ko eh, abot tenga ang mga smile, hindi ko alam kung insulto ba yun o masaya lang silang Makita ang mukha kong ala Piolo Pascual na naobese lang ng konte at hindi nakapagcentrum ; hindi ko alam ang irereact kung dapat ko bang ikasaya o ikainis; well hindi ko sila masisisi; pinagpala talaga ako(ang pumalag uutot); hinablot ko agad ang isang large garbage bag; hindi ko alam kung saang aisle ang mga delata, instinct; alam ng paa ko kung saan ang San Marino(Marian Rivera I Love You) pero hindi San Marino ang kinuha ko; Family’s Brand Sardines at Argentina Corned Beef(na hindi ko alam kung saan ko lulutuin) at Century Corned Tuna.pagkatpos nun pumunta ako sa Junkfoods; syempre Rollercoaster agad ang kinuha ko; ng nakuha ko na ang lahat ng kailangan ko zoom agad sa cashier; at hindi nga ako nagkamali, at nakasmile nanaman ang lahat ng chikabeybs na nakakasalubong ko; feeling artista talaga ang mukhang mongoloid; express lane yata yung napilihan ko kasi halos isa o dalawa lang ang dala ng nakapila, ako lang ang nakabasket na sakay pa ng trolley, Si Ms. Grocery Cashier walang alin-langan iswinipe ang card sa (hindi ko alam kung anong tawag dun sa pinagsaswipan ng debit card) she did not ask for any valid ID kahit na parang foreigner ang pangalan ko; pinack niya lahat ng pinamili ko na parang nagmamadali pati ung hanger na binili ko ay parang papel niyang pinaskasya sa medium size na plastic bag; hindi ko inakalang ang gaan ng na grocery ko; dali dali akong lumabas ng SM, syempre magtataxi ako; at nang ako na ang sunod sa pila anak ng tipaklong ng akma ko nang buksan ang pinto sa backseat; umabante ang taxi at pinasakay ung Turning Japanese na kasunod ko, ang ulol na Driver akala niya hindi ko nakuha ang plate number niyang GXB 120; sabi nga, patience is a virtue, hindi ako patient sa mga ganito; ewan ko kung anong nakain ko at biglang natulog ang pagka ill-tempered ko. Sumakay ako sa ikatlong taxi; ung pangalawang taxi kasi ang bintana ng backseat eh, plastic cover na ang ginawang salamin, at hindi nakadikit ng maayos, parang libro na kinoberan ko(hindi ako marunong mag cover ng libro, ang ginagawa ko dati; pinupuno ko ng scotch tape ang mga libro ko, yung pa vertical ang pagkakadikit) anyways part 6 ng papalabas na ang taxi sa compound ng SM, hinahanap ko agad ang Nestea Ice ko at ang Cheese flavour Sponge Crunch hinanap ko sa first bag, wala, sa second bag, balik sa first bag, wala, isa akong tamad na nilalang; muntik ko nang hindi balikan ang kulang na plastic bag ko, sabi ko kasi isang sponge crunch lang yun at 3 delata ang kulang; ng naalala ko bumili rin pala ako ng Hotdog, Ulam burger na Crispy(ung may breaded burger patty) at palaman isali mo pa ang paborito kong lettuce; hindi ko namalayan, tinatanong na pala ako ng driver kung saan ako bababa; sagot ko “Naog lang ko dira sa atbang Boss, kulang akoang plastic bag” binayaran ko ung 37.50; at balik sa SM; narinig ko nanaman ang “Good Morning Sir ng Security Guard, pero ikatlong beses na akong bumalik sa parehong araw, Alas 3 na ng hapon; pero Good Morning pa rin siya ng Good Morning, ikakatuwa ko sana yun kung wala akong dalang SM Plastic bag na ang laman lang eh Noodles at Albatros.

Takbo ako agad sa cashier, hinanap ko ung babaeng matambok ang pisngi na parang kinagat ng bumble bee na kasing laki ni Jollibee(ang cute cute ng mga cashier sa mall, palagi silang rosy cheeks) ng nakita ko na si Ms. Beautiful, tinanong ko agad, “Miss asa I-claim tong akong plastic bag? Kulang man gud ug usa ka bag” ang sagot ni Ms. Beautiful, ”Ikaw diay to Sir, noh? Katong nabiyaan ang usa ka bag” ang sarap-sarap patulan, ni Ms. Beautiful, pero tulog pa rin si Incredible Hulk; pinasunod niya ako sa (Hindi ko alam kung manager o supervisor ang tawag nila doon sa mga babaeng parang flight stewardess ang damit) pinasunod niya ako sa CS, buti nalang at nag iwan ng “Pasyensya na kayo Sir” Si Miss Beautiful sa akin; habang sinusundan ko ang flight stewardess na pahinto hinto kasi kinakausap niya yung mga bagger; hindi ko namalayan nawala ng parang bula si Madam, total alam ko naman kung saan ang CS(Customer Service) dumeretso na ako, palingon lingon pa ako at hinahanap ko ung flight stewardess, nainip ako, tinanong ko nalang ung babae sa CS; tanong ko “Miss saan kinukuha ung mga naiwan na groceries” sagot ni Ma’am “Imo tong naay Litson Manok?”(Litson Manok? Andoks ba itong napuntahan ko at tinatanong niya akong kung Litson Manok ba yung naiwan ko) Sagot ko “Hindi, yung may mga delata” sumagot pa “Oo lagi sir, katong naay Manok” Sa mga ganitong sitwasyon kailangan talagang maging mahinahon tayo, napaisip ako; tama may manok nga yung naiwan ko may Chicken hotdog kasi yun(Isang Kilo) tama nga naman si Ma’am may manok nga talaga; hinanap sa akin ang receipt; Iniabot sa akin yung bag na may delata at pinasunod nanaman ako sa isang bagger kasi kulang daw yun ng Manok(ewan ko ba kung bakit manok lang ang tawag niya sa chicken hotdog member siguro siya ng jejemon); si Mr. Bagger ang bilis-bilis maglakad; hindi ko maabutan; at sa kabutihang palad eh nawala din; balik nanaman ako sa CS parang Snake and Ladder, balik sa starting point pagod na pagod na ako; its so amazing na tulog pa rin si Incredible Hulk; nakita ako ulit ni Ms. Beautiful, sinenyasan ako ng thumbs up; akala niya siguro okay na ang lahat, ngumiti lang ako na parang nagpacute, sinalubong ako ni stewardess na dun ko lang napansin na kahawig niya si Gladys Reyes inabot niya ang Chicken hotdog; ibinabalik pa nila ung mga perishable items ng mga customers kung ito ay naiwan; that’s a plus for them(dapat nga naman); inilagay niya sa nakataling plastic bag ang chicken hotdog ng pwersahan at kung hindi ko pinutol yung nakabuhol na plastic; eh naging cocktail size na ung Jumbo size na hotdog. Aircon sa Mall pero pinagpawisan ako; proud ako sa sarili ko at hindi ako nag tantrums sa mall; syempre nga naman, you really need to think before you react, hindi pwedeng padalosdalos tayo at kung na agrabyado ng konte, hindi ka dapat maging wild. People are just humans, like you(jeje nakakatawa hindi ko maintindihan ang sinabi ko), may mga pagkakataong nagkakamali, gustong magkaroon ng additional na kita, mag multitask, dapat; before you complain think again and think again at kung hindi na kaya maglaslas ka nalang sa tuhod.joke lang

At nang nakarating ako sa bahay(technically kwarto yun)sa wakas home at last tinambak ko yung binili ko sa cabinet kasali yung chicken hotdog na perishable; nahiga sa kama; at hindi sa maipaliwanag na pangayayari tumambad sa akin ang hindi kaaya-ayang view; kaya pala feeling ko ang luwag-luwag nang aking pantalon; bukas ang zipper ko; nagflash back lahat ng nangyari sa mall; langhiya kaya pala abot tenga ang smile ng mga chickabeybs akala ko natutuwa sila sa ala Piolo Pascual kong mukha, iba pala ang tinitingnan; ang aking walang kamalay-malay na manoy nakaexpose sa world(Hoy, may brief ako), sige itawa mo pa, you freak weirdo.

Lesson ni kuwago; kailangan mahabang-mahaba ang pasyensa mo sa mga tao; hindi lang sa mall, kung hindi sa lahat, always smile, at huwag magsuot ng masikip na pantaloon upang hindi mabuksan ng kusa ang zipper at hindi mag-hello si manoy sa mga chickabeybs..

That was one of the extreme experience ko sa SM, at ngayon ko lang naBlog(ang kapal ng mukha first Blog mo ito tsong).
Hay salamat natapos din...