BABALA: ALAM KONG MAHABA ANG POST NA TOH' AT PASYENSYA NA SA MGA TYPO.
Mini Game: Hanapin ang TYPO sa labas ng post =P
(Artventure)
Balikarte de Psyche
(June 01,2010 na ngayon lang na post April 26, 2011)
Kahapon, Nasa SM na naman ako, ewan ko ba kung bakit doon ako nagagawi; daming tao, daming koreano, daming hayop, daming buwisit. Bumili ako ng bagong damit at khaki pants, pinagtitripan kasi ako sa opisina, kesyo madami raw akong kaparehong damit, at gaya-gaya raw ako ng kulay, problema ko ba yun? Kesa naman unique nga ang damit mo, mukha ka namang suman sa sikip, lol(tamaan wag magalit).
Anyways, kung itatanong mo, mahilig ako sa arts; (obvious sa mga damit kong Artwork, ulo hanggang paa, Artwork ang suot ko, kung meron nga lang silang brief baka yun din ang suot ko hindi Mossimo. Bata pa lang ako mahilig na akong magdrawing; nangangati talaga ang mga kamay ko parang may sariling utak, pag may nahawakan akong kahit na anung pangsulat siguradong may lamesa, papel, notebook, damit, alcohol bottle, tissue, paper cups na pagkalipas ng ilang minuto eh may drawing na; paminsan pati braso at hita ko natritripan kong drawingan.
Naalala ko pa noon, kapag Flores de Mayo(doon sa maliit na Chapel malapit sa dati naming bahay sa Cotabato) kasali kami ng ate kong kumakanta, nakikinig kunwari sa mga lecture, pero ang totoong habol namin ay yung ice drop o juice na nakabalot sa plastic na malabnaw. Hiwalay kami ni ate ng grupo everytime na merong activity, si ate palaging nasa group 1 (kung hindi ako nagkakamali) kung pakakantahin kami, bida palagi si ate, galing kasi nun kumanta(ewan ko lang ngayon, kasi mas magaling na ako.lol peace) at kung sa pagdrawing naman, eh ako ang bida. Minsan pinadrawing kami ng bahay, (isa sa mga facilitators si Tita Ed) lahat ng mga bata nakatutok sa drawing ko, minsa sa sobrang pagpapasikat nabutas ang aking papel sa pagbubura sa dahon ng niyog na mukhang papaya tree(shrub daw ang papaya), at kahit ganun ang nangyari, proud ko pa ring ipinasa yun sa faci kahit may butas yung papel ko.
Naalala ko rin dati nung nasa kinder ako, si Earl at Leanita ang mga drawin buddies ko (ewan ko kung saan na tong mga taong to’) si Earl mahilig sa mga baril, kaya palagi siyang nagdradrawing ng lalaking may mahabang baril at mga nakabitay na bala sa balikat; si Leanita naman mahilig sa mga babaeng nakasuot ng pangkasal, kaya yun ang dinodrawing niya, at ako naman, kinokopya ko yung picture ng
kalabaw sa libro. Pagtungtong namin ng Grade 2; its my first time to join a drawing contest(Poster-making astig!), first time ko din magdrawing sa malaking papel(white cartolina na 1 whole, pwede ko pa yung gawing kumot sa laki) Coca-Cola Contest yun, if my memory is right, ang theme nun eh Helping Each Other; may nag drawing ng mga studyanteng naglilinis ng paligid, meron
ding tinutulungan ang batang nadapa; at meron din mga taong nasa giyera(naalala ko si Eden yun nagdrawing), ako ang ginuhit ko eh, rice fields at bahay kubo na out of the theme; kaya yun talo. Grade 2 akong nagumpisang mag drawing ng mga character sa TV, uso noon ung Power Rangers, that was 1995; at may nasuntok akong kaklase dati kasi ung bag kong Power
Rangers, pinagtripan at dinrowingan ng mga kalaban, sapol sa mukha si klasmeyt.
Grade 4 umalis na si Bestfriend Earl, para kaming magkapatid dati nun kasi pagalingan kami sa pagdrawing, kaklase ko pa rin si Leanita na ang trip na ay magdrawing ng babaeng nakapanty; at ako naman nagsimula ng maglevel up, anime naman ang trip ko; kasama ko pa rin sa mga contest si Leanita; at yung pinaka memorable sa akin eh yung sumali kami ng contest sa BFAR(Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) first time ko na magdrawing sa aircon na lugar(dati kasi sa school contest dun kami sa malaking lamesa na nakapalibot sa akasya tree sa tapat ng canteen; imagine the heat ) at hindi na crayons ang gamit kundi Oil Pastel, nakathird place ako nun, 300 pesos ang premyo at sa isang hotel ang awarding.
Nung Highschool, hiwalay na kami ng school ni Leanita, everytime na may contest sa School, kung hindi 2nd place, nasusungkit ko ang 1st place(masaya ako nun, kasi wala na akong kakompetensya; oops meron pala si Bayani, si Louie si Jefferson at si Tim) anime pa rin ang trip ko; at natuto na akong gumamit ng water color; Badtrip kasi dati ang watercolour, imbes na makulayan ko yung drawing ko, nababasa ko lang ang papel, tapos yung brush, natatanggal ang mga balahibo at nagmumukhang buhok sa kilikili.
Maraming Medium ang Visual Arts, Pastels, Pencils(coloured o lead), Charcoal, Watercolour, Acrylic, Oil at Mix Media(ito yung pwede gamitin ang lahat ng pangkulay, mga bagay, basura at kadalasan nakaembose ang artwork)
Natuto akong mag water colour ng dahil sa inggit ko sa drawing ng kapatid ni Jeremiah, Idol talaga ang mga gawa nun, pang comics ang mga gawa lalo na nung pinakita niya yung SPAWN na gawa ng kuya niya. Ang technique pala sa watercolour eh(specially kung anime oh comic style ang gagawin mo), damihan mo ng tubig ang brush para makuha mo yung cartoon effect. Nakagraduate ako ng watercolour level up ako sa Oil.
Mas una kong natutunan gumamit ng Oil (Si Psyche nga pala is done with Oil)kaysa Charcoal; Nung Una Mahirap,pero nung kalaunan ok na, lacquer thinner o yung special type of alcohol ang gamit for vehicle ng Oil pero ang gamit ko eh yung mantika namin sa bahay, which I found much better kaysa thinner, nakokontrol mo ang texture ng kulay at mas madaling I repair ang artwork, yun nga lang matagal matuyo o tumigas ang mga kulay.
Charcoal, Ito pinakamahirap na medium para sa akin(at I’m sure sa ibang artist din) hindi mo kasi mafafake sa dami ng kulay ang ganda ng obra mo, shading ang labanan, hindi ako masyadong mahilig sa charcoal painting, nakikiliti kasi ako pag kumikiskis ang charcoal sa sketch pad o sa canvas, kaya tumatagal ng buwan bago ko matapos ang isang 12x12 na artwork, isa pa nakakalimutan ko din maghugas ng kamay kaya nagmumukhang pusa ako pagkakamot sa ilong.
Acryllic, one of my favourites, gusto ko kasi yung shiny effect ng acrylic, lalo na kung night time ang dinodrawing mo, ingat lang din sa paggamit kasi mabilis matuyo ang acrylic tansya-tansya sa pagpisil sa color tube; mabilis tumigas ang kulay masasayang lang. Una kong natutunan mag-acryllic ng pinadesign ako ng 4th year teacher ko ng mga visual- aid para sa Classroom, mainam gamitin ang acrylic sa styro fore(hindi ko alam ang spelling)kumakapit ang kulay sa halos lahat ng surface, ito din ang kadalasang ginagamit sa mga fabric painting at paminsan sa damit.
Mix Media; from the word itself lahat pwede gamitin, nalala nyo nung pinagawa kayo ni Ms. Teacher ng mosaic using eggshell at color etching using watercolour for basing at melted crayons? Yun ang mga simpleng halimbawa ng mix media, hindi ako masyado fond sa mix media, ewan ko kung bakit.
Anyways ang taas-taas ng intro ko, nasulat ko ang blog nato kasi first time ko ulit na magpaint, its been almost 4 years na wala akong natapos na artwork(except nga sa opisina na lahat ng bagay sa workstation ko basta’t may hawak akong ballpen o pentel pen patay kang bagay ka); Wala lang bigla lang akong na-inspire magpaint ulit, bigla-bigla.
Balik SM Tayo(May 31,2010)
Pagkatapos kung bumili; pumunta ako sa Bench, kasi gusto kong bumili ng shades, pero ung gusto kong bilihin eh hindi ko masukat kasi nakalock sa stante, at nahihiya akong ipabukas sa tindera, kaya pumunta nalang ako sa National Bookstore, mga paa kong may instinct, pumunta agad sa may canvas, matagal ko na din gustong bumili ng easel, kaya lang nung college pa ako, wala pang budget; bumili ako ng easel(sa mga jejemon; ang easel dun pinapatong ang canvas kung hindi yari sa kahoy eh aluminium) Bumili din ako ng bagong brush, Oil Paint at ballpen(na pakapin ni Ms Cashier para naay libreng National Bookstore Bag, astig ng mukha diba) pagkatapos kong mabili(na wala naman talaga sa plano) pumunta ako sa Oxygen na ang babaeng tagabantay ay nakasmile nanaman, my heart beats faster and faster kasi baka, baboy, kambing , kalabaw, bukas na sad akong zipper, when I look down, close and secured si Manoy, bumili ako ng (secret) Nagtanong si Tagabantay ng “Uy, kabalo ka magdrawing sir? Ayusa oi, mao ng poster making noh? Sus pagkaswerte sa imong maasawa; gwapo na iyang bana, naa pa juy talent” Syempre ako proud sa sarili ko at nasabihan ako ng gwapo nag thanks ako in AVATAR language, nag your welcome din siya in AVATAR language.(gawa gawa ko lang yung skit) anyways ng papauwi ako, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko, may pagkaningas kugon kasi ako, baka masayang ang canvas; nang dumating ako sa bahay, mas naexcite akong I assemble ang easel, na nung una akala ko kasing laki lang n coupon bond ang kakasya sa holder, baliktad ko palang nailagay yung patungan ng canvas(bahala kang maghanap sa internet kung ano ang itsura ng easel at kung wala kang internet ayan sa gilid)ng nasetup ko na ang easel na mukhang tripod ng CD-R King kasi aluminium, pinagtripan ko ung frankfurter na binili ko (jejeje inuna kong kumain)tapos yun na nag umpisa nanaman akong sumpungin ng SSB(sakit sa baboy) muntik na akong makatulog buti nalang at napindot ko ang remote control at lumaki ang aking mga mata ng nakita ko si Marian sa TV, habang nanonood tinangal ko sa supot ang canvas na kasing laki ng Large na Unan 28x30; kumuha ng lapis at nag-isip; gusto kong idrawing si Mama Mary, so nagdrawing
ako ng babae at first mukhang anime ang nagawa ko (shown) tapos parang gusto ko nalang matulog nawala nanaman ako ng gana; nahiga ng kaunti; nakinig ng music; naglinis ng mga kalat, tapos nakita ko nanaman ang canvas; sabi ko sa sarili ko bahala na for the sake of the sake(may ugali akong nacocontinue ko ang mga gawa ko kung natitigan ko ng matagal ang naumpisahan ko) una ang balak ko eh Mama Mary tapos sabi ko diba may vale si Mama Mary(which is ang Drapery is one of my weakness sa painting; by the way ang drapery yun yung mga cloth sa painting yung mga curves ng fabric) sabi ko si Mary Magdalen na lang ang gagawin ko. I start throwing colors sa canvas, which again as you can see on the right mukhang DC comics ang style; sabi ko nanaman ulit ayoko na; niligpit ko ang mga gamit ko; at nahiga; natitigan ko nanaman ulit ; umandar nanaman ang pagka abnormal ko; gawin ko nalang Madonna and Child; kinuha ko nanamn ang brush at nagkulay habang nanonood ng News; nagkagana ako ulit magpainting so I did mix colors again and apply it on the canvas habang tumatagal ang nirerepair ko ang mga kulay sa nagiging mukhang bata ang lumalabas sa
painting as you can see on the unfinished painting on the left umiba ang mukha ng babae sa first two sets ng paintingdala siguro ng pagkakarepair ko sa mata at ilong (hindi kasi ako masatesfy sa mata at ilong nag mukha tuloy dalaga ang supposed to be Madonna and Child ko; naisip ko bakit hindi ko nalang gawing wala lang simpleng magandang mukha lang ng karaniwang nagdadalagang babae, naiinis ako sa labi , halos 3 oras kong pinapalitan ang hugis ng labi kasi hindi eksato sa hubog ng mukha, hanggang nagustuhan ko ang isang to’
(shown)mala labi ni Anne Curtis diba’ tumagal pa ng ilang oras at muntik ko nang itapon sa labas ng kwarto ang canvas, kasi ayaw ko ng ituloy tinatamad na ako; isa sa mga natutunan ko sa painting is patience, which only I manifest pag nasa Painting Contest ako; madaming repair at paulit-ulit ang sinubukan kong kulay sa pallete; para sa kulay ng balat, shading ng balat at kung anu anu pa; hanggang sa ito matang ito ang salarin ng lahat, ng init ng ulo ko; kung napapansin nyo masyadong malaki ang pupil ng mata sa medicine kung nagdilate ang pupil ng mata it means deadbull na ang tao; habang inaayos ko ang mata ng painting ko; sumakit ang tiyan ko; (skip this page and turn to page 100); marami akong iniisip sa mga oras na nilalapatan ko ng ibat-ibang kulay ang mukha ng babae; masasaya at malulungkot; (corny) sa totoo lang pag nagdradrawing ako marami akong naiisip na sa sobrang dami halos blanko na ang isip ko; ganun ako magpinta; ewan may natural high talaga siguro ang pagpinta; halos lutang ka sa dami ng mga bagay na nagflaflash back; kaya kung may mga artist kayong nakikita na nagmumukhang autistic na may sariling mundo habang nagdrdrawing his mind is actually working, multitasking, kaya huwag mong guluhin at baka ihampas niya sa iyo ang easel o upuan niya patay kang bata ka, sobra pa sa adik ang mga artist; subukan mong sundutin ang puwet, habang kinukulayan ang sexing babae, baka magulpi ka at masaksak(masahol pa yan sa bagong gising o lasing kung mag-amok pag naistorbo);; kaya habang nasisiyahan na ako sa nagiging labas ng gawa ko, may tumuktok sa aking lungga at ito ang nangyari sa right eye ni Ms. Pretty, nagmukhang anak ni
Randy Santiago naging kirat ang kaninang mala Cate Blanchette na mata; ng binuksan ko ang pinto ko na nakaunderwear lang(naka boxer briefs lang ako) nakatayo si Mary Rose sa Pinto at katabi ang 5 Gallons ko na purified Water ang sabi niya “Kuya JK dara imong”(nanlaki ang mata ng bata) Nagthank you ako (nakalimutan ko kasing mag shorts) lol anyways buti nalang at hindi ilong ang na damage at hindi nagmukhang Michael Jackson si Ms. Pretty at baka na uppercut ko ang Batang yun; anyways lumabas na ang difference ng first few samples ng painting; ganito talaga , the result of every Artwork is a Mystery; parang Motto ni Forest Gump “ You will never know what you’ll gonna get” Teka naisip ko lang bakit hindi naging painter si Forest sa movie na yun, naging Ping Pong Player sya, Sundalo, May ari ng Company, it will be nice sana kahit naging Painter sya sa kahit isang yugto ng buhay niya at napaint niya si Jenny diba astig yun?(anung hindi? Gusto mong maupakan?) habang tumatagal, mas naging woman in her early 20’s ang naging mukha ng babae,
mas matured kaysa sa first process ng painting; dala siguro ng shading at highights sa mukha kaya mas naging mature ang kinalabasan ng babae; hindi ko muna masyadong pinakelaman ang na sirang right eye ni MS. Pretty, dinagdagan ko ng lighter colors sa mag ilong at ibaba ng mga mata habang tumatagal na huhulog ang loob ko sa painting gusto ko siyang matapos agad pero ayaw ko naman na magmukhang minadali ang painting, total hindi naman ito contest na merong time allotted. Ayaw ko ng bitiwan ang brush, pero ang mga mata ko ay pagod na at gusto ng matulog; kaya tinakpan ko muna si Ms. Pretty at naidlip na nauwi sa nakatulog ako na madumi ang kamay at hindi nakapagtoothbrush.
Ngnakagising ako ala una un ng madaling araw, hindi ko pinansin si Ms Pretty at nagbalak na mag internet; may Free Wi-fi kasi sa kusina; gusto kong gumawa ng Blog Page sa Eblogger at para ma post ko ung May 29 na Blog ko; pero sa kasawiang palad walang signal kaya; pumasok ako sa kwarto at tinitigan si Ms. Pretty sinubukan kong paandarin ang kamay ko pero wala, ayaw gumana; nagpatugtog nalang ako ng Mp3 madaling araw na at tulog na lahat ng tao; hindi na okay mag patugtog ng mga RNB at Rock kaya nag classical ako; May 45 tracks ako ng Pachelbels’ Canon ibat’ibang rendition ng String at Piano Artist; nainspire nanaman ako ulit nag kaprogress ang relasyon namin ni Ms. Pretty at eto na siya mas gumanda. mas nagmukhang totoong tao si Ms. Pretty ang ilong niya ay mala Marian Rivera(ganda kasi ng korte ng ilong ni Marian) nainspire akong pagtuunan ng mahabang oras ang paglalagay ng shade sa mga contour na mukha, para mas maging lifelike ang effect. Nasisiyahan ako sa nakikitang kong kalalabasan ng Obra ko, Firs
t time ko itong nagawa na hindi ako nagmamadaling tapusin ang isang painting, while the painting progress, I can’t stop looking at the face of the Woman I created, parang nakakaawa ang mukha; parang ang damidaming pinagdaanan sa buhay, pero she still wanted to make everyone happy despite to all the trials she have; ito ba yung hinahanap ko sa isang babae? Siguro nga; lahat siguro ng lalaki gustong makahanap ng magandang babae para maging asawa at isa na ako doon; (I don’t want to say something on this part) baka may mainis lol.
Sabi nila “You’ll know how good an artist is by looking the depths of a single color of his work; it’s a combination of different colors in the palette” Ganun din ang tao, hindi ka hahanga sa kanya hanggat hindi mo siya nakikilala ng lubos, that person might be another face til you discover what he is made of, hay.wala lang, madami akong nasasabi na hindi dapat kasali sa blog na to’
Anyways ang painting ay parang kasintahan, mahirap sa umpisa pero kung natutunan mo na o nakuha ang timpla tuloy tuloy na sa jackpot I mean sa simbahan. Lol.
Sa Wakas ito na si Ms. Pretty natapos ko na din siya, inadjust ko ang mata binigyan ng darker color tapos ang ilong naman ay nilaparan ng konte at ang labi ay niliitan ang binigyan ng bagong kulay mas mukhang tao na siya pinangalanan ko itong art work na to na “Who knows Psyche better than I do?” astig ng title diba, si Psyche nga pala ay isang greek Goddess I don’t know if im right, nainggit ang Goddess na si Venus sa kagandahan ni Psyche kaya ipinadala niya si Hermes para patayin ang dilag sa kasawiang palad nahulog ang loob ng binata sa dalaga at idinala niya si Psyche sa isang sekretong lugar para maligtas sa kapahamakan, ha! Alam ko ang Greek mythology na un! Kasi sinearch ko sa internet! Hahaha. Masaya ako sa kinalabasan ng obra ko salamat at bumalik na naman ang pagka abnormal ko lol, siya nga pala, pag-umandar ang alter self ko eh talagang hindi ako makikita sa labas, at nag eenjoy kasi nga nasa mundo ako ng inspiration; hope people would understand na minsan eh ayaw kong sumama gumimik; or acting weirder than yesterday o para akong tanga na nakatingin sa malayo at tahimik, hindi ako nababaliw, nasaniban lang ako ng ispirito ni Picasso ay mali ni Da Vinci pala. =)